Kaibigan Lang Pala – Eurika

Noong Ako Ay Nilapitan Mo
Tinanong Kung Ano Ang Pangalan Ko,
Nabighani Agad Itong Puso
Na-Love At First Sight Sa Iyo.
Nguni’t Sa Iyo’y May Nalaman Ako
Mayroon Na Raw Ibang Laman Ang Puso Mo.
Sino Ba Siya Ang Tanong Ko Sa Iyo,
Sinabi Mong Siya Ay Kaibigan Lang.

Kaibigan Lang Pala,
Kaibigan Lang Pala,
Napawi Ang Aking Pangangamba,
Aking Nadarama Ngayo’y Pag-Asa Na
‘pagka’t Siya Ay Kaibigan Lang Pala.

Akala Ko Siya Ang Iyong Sinta.
Nguni’t Siya Ay Kaibigan Lang Pala.

Sabik Ang Puso Ko Na Malaman.
Ang Pag-Ibig Mong Labis Kung Inaasam.
Baka Sa Puso Mo Ako’y Kaibigan Lang,
Sana’y Hindi ‘pagka’t Magdaramdam.

Kaibigan Lang Pala,
Kaibigan Lang Pala,
Napawi Ang Aking Pangangamba,
Aking Nadarama Ngayo’y Pag-Asa Na
‘pagka’t Siya Ay Kaibigan Lang Pala.
Siya Ay Kaibigan Lang Pala.
Siya Ay Kaibigan Lang Pala.
Kaibigan Lang Pala.

GD Star Rating
loading...
GD Star Rating
loading...

Share and Enjoy